16 Sinabi rin niya sa babae,
"Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis
at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak.
Ngunit sa kabila niyan, hahangarin mo pa rin ang iyong asawa
at maghahari siya sa iyo."3:16 hahangarin … sa iyo: O susubukan mong maghari sa iyong asawa, ngunit maghahari siya sa iyo.
17 Sinabi rin niya sa lalaki, "Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo:
Susumpain ko ang lupa!
Kaya sa buong buhay mo
ay magpapakahirap ka nang husto upang makakain.
18 Tutubo sa lupa ang mga damo at halamang may tinik.
Ang kakainin moʼy manggagaling sa mga pananim sa bukid.
19 Kinakailangang magpakahirap ka nang husto upang makakain,
hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan.
Dahil sa lupa ka nagmula,
sa lupa ka rin babalik."