6 At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay 1 Tim. 2:14.pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito’y kumain.
8 At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan.
15 At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang Juan 3:8;Gal. 4:4.iyong binhi at ang kaniyang binhi: Rom. 16:20;Heb. 2:14.ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
19 Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: Gen. 2:7.sapagka’t ikaw ay alabok Ec. 3:20;12:7.at sa alabok ka uuwi.
24 Ano pa’t itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Awit 104:4;Heb. 1:7.Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.