6 Nang pagmasdan ng babae ang puno, napakaganda nitong tingnan at ang bunga nito ay nakakatakam. At dahil sa pagnanais niyang maging marunong, pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan din niya ang kanyang asawa na kasama niya, at kinain din ito.
8 Nang lumamig na ang hangin bandang hapon, narinig nila na naglalakad ang Panginoong Diyos sa halamanan. Kaya nagtago sila sa mga puno doon upang hindi sila makita.
15 Ikaw at ang babae ay mag-aaway.
Ang lahi mo at ang lahi niya3:15 lahi: O mga lahi. ay mag-aaway din.
Dudurugin niya ang ulo mo
at tutuklawin mo ang sakong niya."
19 Kinakailangang magpakahirap ka nang husto upang makakain,
hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan.
Dahil sa lupa ka nagmula,
sa lupa ka rin babalik."
24 Nang mapaalis na ng Panginoong Diyos ang tao, naglagay siya ng mga kerubin3:24 kerubin: Isang uri ng anghel. sa bandang silangan ng halamanan ng Eden. At naglagay din siya ng espada na naglalagablab at umiikot upang walang makalapit sa puno na nagbibigay ng buhay.