Pular para o conteúdo
Publicidade

Genesis 3:8-13

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

8 At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan.

9 At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya’y sinabi, Saan ka naroon?

10 At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako’y natakot, sapagka’t ako’y hubad; at ako’y nagtago.

11 At sinabi niya, Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy, na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin?

12 At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain.

13 At sinabi ng Panginoong Dios sa babae, Ano itong iyong ginawa? At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako’y kumain.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    8 Nang lumamig na ang hangin bandang hapon, narinig nila na naglalakad ang Panginoong Diyos sa halamanan. Kaya nagtago sila sa mga puno doon upang hindi sila makita. 9 Ngunit tinawag ng Panginoong Diyos ang lalaki, "Nasaan ka?"

    10 Sumagot ang lalaki, "Narinig ko po kayo sa halamanan, kaya nagtago ako. Natatakot po ako dahil hubad ako."

    11 Nagtanong ang Panginoong Diyos, "Sino ang nagsabi sa iyo na hubad ka? Kumain ka ba ng bunga ng punongkahoy na sinabi ko sa iyo na huwag ninyong kakainin?"

    12 Sumagot ang lalaki, "Ang babae po kasi na ibinigay nʼyo sa akin ay binigyan ako ng bunga ng punongkahoy na iyon at kinain ko."

    13 Tinanong ng Panginoong Diyos ang babae, "Bakit mo ginawa iyon?"

    Sumagot ang babae, "Nilinlang po kasi ako ng ahas, kaya kumain po ako."

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.