Pular para o conteúdo
Publicidade

Genesis 45:1,4,5,15

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Nagpakilala si Jose.

1 Nang magkagayon ay hindi Gen. 43:31.nakapagpigil si Jose sa harap nilang lahat na nakatayo sa siping niya; at sumigaw, Paalisin ninyo ang lahat ng tao sa aking harap. At walang taong tumayo na kasama niya samantalang si Jose ay napakikilala sa kaniyang mga kapatid.

4 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, Lumapit kayo sa akin, isinasamo ko sa inyo. At sila’y lumapit. At kaniyang sinabi: Ako’y si Jose na inyong kapatid, na Gen. 37:28.inyong ipinagbili upang dalhin sa Egipto.

5 At ngayo’y huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: Gen. 50:20;Awit 105:16-17.sapagka’t sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay.

15 At kaniyang hinagkan ang lahat niyang kapatid, at umiyak sa kanila: at pagkatapos ay nakipagsalitaan sa kaniya ang kaniyang mga kapatid.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    1 Hindi na mapigilan ni Jose ang kanyang sarili, kaya pinalabas niya ang kanyang mga alipin. At nang sila na lamang ang naroon, nagpakilala siya sa kanyang mga kapatid.

    4 Kaya sinabi ni Jose, "Lumapit kayo sa akin." Nang lumapit na sila, sinabi niya, "Ako si Jose na kapatid ninyo, ang ipinagbili ninyo upang maging alipin dito sa Ehipto. 5 Ngayon, huwag kayong mag-alala at huwag ninyong sisihin ang sarili nʼyo dahil ipinagbili nʼyo ako rito, dahil ang Diyos ang siyang nagsugo sa akin dito upang iligtas ang buhay ninyo.

    15 Pagkatapos, pinaghahagkan ni Jose ang lahat ng kapatid niya at patuloy siyang umiiyak sa kanila. Pagkatapos noon ay nakipag-usap sa kanya ang mga kapatid niya.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.