Nagpakilala si Jose sa Kanyang mga Kapatid
1 Hindi na mapigilan ni Jose ang kanyang sarili, kaya pinalabas niya ang kanyang mga alipin. At nang sila na lamang ang naroon, nagpakilala siya sa kanyang mga kapatid.
4 Kaya sinabi ni Jose, "Lumapit kayo sa akin." Nang lumapit na sila, sinabi niya, "Ako si Jose na kapatid ninyo, ang ipinagbili ninyo upang maging alipin dito sa Ehipto. 5 Ngayon, huwag kayong mag-alala at huwag ninyong sisihin ang sarili nʼyo dahil ipinagbili nʼyo ako rito, dahil ang Diyos ang siyang nagsugo sa akin dito upang iligtas ang buhay ninyo.
15 Pagkatapos, pinaghahagkan ni Jose ang lahat ng kapatid niya at patuloy siyang umiiyak sa kanila. Pagkatapos noon ay nakipag-usap sa kanya ang mga kapatid niya.