Pular para o conteúdo
Publicidade

Josue 2:9-13

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

9 At sinabi niya sa mga lalake, Talastas ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain, at dinatnan kami ng Ex. 15:16;23:27.pangingilabot sa inyo at ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo.

10 Sapagka’t aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Mapula sa harap ninyo, nang kayo’y lumabas sa Egipto; Ex. 14:21;Blg. 21:24,35;Jos. 4:23.at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako roon ng Jordan, kay Sehon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa.

11 Ex. 15:14,15.At pagkabalita namin, ay nanglumo ang aming Jos. 5:1;7:5;Is. 31:7.puso, ni walang diwa na naiwan sa kanino mang tao, dahil sa inyo; Deut. 4:30.sapagka’t ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.

12 Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, 1 Sam. 20:14,17.sumumpa kayo sa akin sa pangalan ng Panginoon, na kung paanong ako’y nagmagandang loob sa inyo ay magmamagandang loob naman kayo sa sangbahayan ng aking magulang, at bibigyan ninyo ako ng tunay na tanda;

13 At inyong ililigtas na buháy ang aking ama, at ang aking ina, at ang aking mga kapatid na lalake at babae, at ang lahat nilang tinatangkilik, at inyong ililigtas ang aming mga buhay sa kamatayan.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    9 sinabi sa kanila, "Alam kong ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupaing ito at labis ang pagkatakot ng mga tao rito sa inyo. 10 Sapagkat nabalitaan namin kung paano pinatuyo ng Panginoon ang Dagat na Pula nang lumabas kayo sa Ehipto. Nabalitaan din namin kung paano nʼyo pinatay ang dalawang hari ng mga Amoreo na sina Sihon at Og, sa silangan ng Jordan. 11 Natakot kami nang mabalitaan namin ito at naduwag ang bawat isa sa amin dahil sa inyo. Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ay siyang Diyos sa langit at sa lupa.

    12 "Kaya ngayon, ipangako nʼyo sa pangalan ng Panginoon na susuklian ninyo ng kabutihan ang pamilya ko dahil sa pagtulong ko sa inyo. Bigyan nʼyo ako ng patunay 13 na hindi ninyo papatayin ang mga magulang ko, mga kapatid ko at ang buo nilang sambahayan. Ipangako ninyo na hindi ninyo kami papatayin."

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.