9 sinabi sa kanila, "Alam kong ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupaing ito at labis ang pagkatakot ng mga tao rito sa inyo. 10 Sapagkat nabalitaan namin kung paano pinatuyo ng Panginoon ang Dagat na Pula nang lumabas kayo sa Ehipto. Nabalitaan din namin kung paano nʼyo pinatay ang dalawang hari ng mga Amoreo na sina Sihon at Og, sa silangan ng Jordan. 11 Natakot kami nang mabalitaan namin ito at naduwag ang bawat isa sa amin dahil sa inyo. Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ay siyang Diyos sa langit at sa lupa.
12 "Kaya ngayon, ipangako nʼyo sa pangalan ng Panginoon na susuklian ninyo ng kabutihan ang pamilya ko dahil sa pagtulong ko sa inyo. Bigyan nʼyo ako ng patunay 13 na hindi ninyo papatayin ang mga magulang ko, mga kapatid ko at ang buo nilang sambahayan. Ipangako ninyo na hindi ninyo kami papatayin."