1,2 Sinakop na ng mga Israelita ang mga lupain sa silangan ng Kapatagan ng Jordan, mula sa Lambak ng Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon, kasama na rito ang lupain sa silangan ng Kapatagan ng Jordan. Ito ang mga hari sa mga lugar na natalo ng mga Israelita:
Si Sihon na Amoreo na nakatira sa Hesbon. Sakop ng kaharian niya ang kalahati ng Gilead. Ito ay mula sa Aroer sa tabi ng Lambak ng Arnon, at mula sa gitna nito hanggang sa Ilog Jaboc, na siyang hangganan ng lupain ng mga Amonita. 3 Sakop din niya ang silangan ng Kapatagan ng Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Bet-jeshimot, sa silangan ng Dagat na Patay at hanggang sa timog sa ibaba ng libis ng Pisga.
4 Ang ikalawa ay si Haring Og ng Bashan. Isa siya sa mga naiwan na Refaimeo. Nakatira siya sa Astarot at sa Edrei. 5 Ang sakop ng kaharian niya ay ang Bundok ng Hermon, Saleca, ang buong Bashan hanggang sa hangganan ng Gesur at Maaca, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa hangganan ng Hesbon na sakop ni haring Sihon. 6 Tinalo sila ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng mga Israelita. Ibinigay ni Moises ang lupain ng mga ito sa lahi ni Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases bilang mana nila.
7,8 Sinakop din ni Josue at ng mga Israelita ang mga lupain sa kanluran ng Jordan, mula sa Baal-gad sa Lambak ng Lebanon hanggang sa Bundok ng Halak na paahon sa Seir. Ibinigay ni Josue ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila. Hinati niya ito ayon sa bawat lahi nila. Ang mga lupaing ito ay ang mga kabundukan, mga kaburulan sa kanluran, ang Kapatagan ng Jordan, ang mga libis, ang disyerto sa timog, at ang Negeb. Tinirhan ito dati ng mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Heveo, at mga Jebuseo. Ito ang mga hari ng mga lugar na iyon na tinalo ni Josue at ng mga Israelita:
9 ang hari ng Jerico
ang hari ng Ai (malapit sa Betel)
10 ang hari ng Jerusalem
ang hari ng Hebron
11 ang hari ng Jarmut
ang hari ng Laquis
12 ang hari ng Eglon
ang hari ng Gezer
13 ang hari ng Debir
ang hari ng Geder,
14 ang hari ng Horma
ang hari ng Arad
15 ang hari ng Libna
ang hari ng Adulam
16 ang hari ng Makeda
ang hari ng Betel
17 ang hari ng Tapua
ang hari ng Hefer
18 ang hari ng Afek
ang hari ng Saron
19 ang hari ng Madon
ang hari ng Hazor
20 ang hari ng Shimron Meron
ang hari ng Acsaf
21 ang hari ng Taanac
ang hari ng Megido
22 ang hari ng Kedes
ang hari ng Jocneam (sa Carmel)
23 ang hari ng Dor (sa Nafot-dor)
ang hari ng Goyim (sa Gilgal)
24 ang hari ng Tirza.
Ang mga haring ito ay tatlumpuʼt isa lahat.