25 At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya’y tinutukso, na sinasabi, Mat. 19:16;22:35-39;Mar. 10:17;Luc. 18:18.Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay?
26 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat sa kautusan? ano ang nababasa mo?
27 At pagsagot niya’y sinabi, Deut. 6:5.Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; Lev. 19:18.at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
28 At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka.