Publicidade

Lucas 10

Ang Mabuting Samaritano

25 Lumapit kay Hesus ang isang tagapagturo ng Kautusan para subukin siya. Nagtanong siya, "Guro, ano po ba ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?"

26 Sumagot si Hesus, "Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?"

27 Sumagot ang lalaki, "Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip. At mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili."

28 "Tama ang sagot mo," sabi ni Hesus. "Gawin mo iyan at mabubuhay ka."

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-29_22-07-56-