Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 11:39-42,44,52

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

39 At sinabi sa kaniya Mat. 23.ng Panginoon, Gayon nga kayong mga Fariseo na nililinis ninyo ang dakong labas ng saro at ng pinggan; datapuwa’t ang loob ninyo’y puno ng panglulupig at kasamaan.

40 Kayong mga haling, di baga ang gumawa ng dakong labas ay siya ring gumawa ng dakong loob?

41 Datapuwa’t ilimos ninyo Luc. 12:33.ang mga bagay na nasa kalooban; at narito, ang Tit. 1:15.lahat ng mga bagay ay malilinis sa inyo.

42 Datapuwa’t Mat. 23:23.sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka’t nagbibigay kayo ng Luc. 18:12.ikapu ng yerbabuena, at ng ruda, at ng bawa’t gugulayin, at pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pagibig ng Dios: datapuwa’t dapat ngang gawin ninyo ang mga ito, at huwag pabayaan di ginagawa ang mga yaon.

44 Sa aba ninyo! sapagka’t kayo’y tulad sa mga libingang hindi nakikita, at di nalalaman ng mga taong nagsisilakad sa ibabaw nila.

52 Sa aba ninyong Mat. 23:13.mga tagapagtanggol ng kautusan! sapagka’t inalis ninyo ang susi ng karunungan: hindi kayo nagsipasok, at inyong sinasansala ang nagsisipasok.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    39 Kaya sinabi sa kanya ng Panginoon, "Kayong mga Pariseo, nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, pero ang loob ninyoʼy punong-puno ng kasakiman at kasamaan. 40 Mga mangmang! Hindi baʼt ang Diyos na gumawa ng labas, ang siya ring gumawa ng loob? 41 Ngunit kung ibibigay ninyo bilang tulong sa mahihirap ang anumang nasa inyo, ang lahat ng bagay ay magiging malinis para sa inyo.

    42 "Nakakaawa kayong mga Pariseo! Ibinibigay nga ninyo ang ikapu ng mga pampalasa at mga gulay ninyo, ngunit kinakaligtaan naman ninyo ang pagiging makatarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Magbigay kayo ng mga ikapu ninyo, pero huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mas mahalagang bagay.

    44 "Nakakaawa kayo! Sapagkat para kayong mga libingang walang palatandaan at nilalakaran lamang ng mga tao nang hindi nila nalalaman."

    52 "Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan! Sapagkat kinuha nʼyo sa mga tao ang susi sa pag-unawa ng katotohanan. Ayaw na nga ninyong sumunod sa katotohanan, hinahadlangan pa ninyo ang mga gustong sumunod."

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.