39 Kaya sinabi sa kanya ng Panginoon, "Kayong mga Pariseo, nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, pero ang loob ninyoʼy punong-puno ng kasakiman at kasamaan. 40 Mga mangmang! Hindi baʼt ang Diyos na gumawa ng labas, ang siya ring gumawa ng loob? 41 Ngunit kung ibibigay ninyo bilang tulong sa mahihirap ang anumang nasa inyo, ang lahat ng bagay ay magiging malinis para sa inyo.
42 "Nakakaawa kayong mga Pariseo! Ibinibigay nga ninyo ang ikapu11:42 ikapu: Ang ibig sabihin, "ikasampu o sampung porsyento." ng mga pampalasa11:42 pampalasa: Ang dalawang salitang ginamit sa Griyego ay tumutukoy sa dalawang uri ng tanim na pampalasa sa pagkain. at mga gulay ninyo, ngunit kinakaligtaan naman ninyo ang pagiging makatarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Magbigay kayo ng mga ikapu ninyo, pero huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mas mahalagang bagay.
44 "Nakakaawa kayo! Sapagkat para kayong mga libingang walang palatandaan at nilalakaran lamang ng mga tao nang hindi nila nalalaman."
52 "Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan! Sapagkat kinuha nʼyo sa mga tao ang susi sa pag-unawa ng katotohanan. Ayaw na nga ninyong sumunod sa katotohanan, hinahadlangan pa ninyo ang mga gustong sumunod."