11 At sinabi niya, May isang tao na may dalawang anak na lalake:
12 At sinabi sa kaniyang ama ng bunso, Ama, ibigay mo sa akin ang Deut. 21:17.bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin. At binahagi niya sa kanila ang kaniyang pagkabuhay.
13 At hindi nakaraan ang maraming araw, ay tinipong lahat ng anak na bunso ang ganang kaniya, at naglakbay sa isang malayong lupain; at doo’y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay.
20 At siya’y nagtindig, at pumaroon sa kaniyang ama. Datapuwa’t samantalang nasa malayo pa siya, ay natanawan na siya ng kaniyang ama, at nagdalang habag, at Mat. 18:10.tumakbo, at niyakap siya sa leeg, at siya’y hinagkan.
22 Datapuwa’t sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, Dalhin ninyo ritong madali Zac. 3:4.ang pinakamabuting balabal, at isuot ninyo sa kaniya; at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay, at mga panyapak ang kaniyang mga paa:
24 Sapagka’t patay na ang anak kong Ef. 2:1,5;5:14;Col. 2:14;Apoc. 3:1.ito, at muling nabuhay; siya’y nawala, at nasumpungan. At sila’y nangagpasimulang mangagkatuwa.