Ang Talinghaga tungkol sa Naglayas na Anak
11 Nagpatuloy si Hesus, "May isang ama na may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi ng bunso sa kanyang ama, ‘Ama, gusto ko na pong kunin ang bahaging mamanahin ko.’ Kaya hinati ng ama ang ari-arian niya sa dalawa niyang anak.
13 "Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang lahat ng minana niya at pumunta sa malayong bayan. Doon ay winaldas niya ang lahat sa walang kuwentang pamumuhay.
20 Kaya umuwi siya sa kanyang ama.
"Malayo paʼy natanaw na siya ng kanyang ama at naawa ito sa kanya, kaya patakbo siya nitong sinalubong, niyakap at hinalikan.
22 "Ngunit tinawag pa rin ng ama ang mga utusan niya at sinabi, ‘Bilis! Dalhin nʼyo rito ang pinakamagandang damit at bihisan siya. Lagyan ninyo ng singsing ang daliri niya at suotan ninyo ng sandalyas ang mga paa niya. 24 dahil ang anak ko na akala koʼy patay na ay bumalik na buhay. Nawala siya, ngunit muling nakita.’ Kaya nagsimula silang magdiwang.