1 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila’y dapat Luc. 11:5-7;21:36;Rom. 12:12;Ef. 6:18;1 Tes. 5:17.magsipanalanging lagi, at 2 Cor. 4:1,16;Ef. 3:13.huwag manganglupaypay;
2 Na sinasabi, May isang hukom sa isang bayan, na hindi natatakot sa Dios, at walang taong pinagpipitaganan:
3 At sa bayang yaon ay may isang babaing bao; at siya’y naparoroong madalas sa kaniya, na sinasabi, Iganti mo ako sa aking kaalit.
4 At may ilang panahon na siya’y tumatanggi: datapuwa’t pagkatapos ay sinabi sa kaniyang sarili, Bagaman di ako natatakot sa Dios, at di nagpipitagan sa tao:
5 Gayon man, Luc. 11:8.sapagka’t nililigalig ako ng baong ito, ay igaganti ko siya, baka niya ako bagabagin ng kapaparito.
6 At sinabi ng Panginoon, Pakinggan ninyo ang sinabi ng likong hukom.
7 At hindi baga, Apoc. 6:10.igaganti ng Dios ang kaniyang mga Mat. 24:22,24,31;Rom. 8:33;Col. 3:12.hirang, na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi, at siya’y Heb. 10:37;2 Ped. 3:9.may pagpapahinuhod sa kanila?
8 Sinasabi ko sa inyo, Heb. 10:37;2 Ped. 3:9.na sila’y madaling igaganti niya. Gayon ma’y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?