Pular para o conteúdo
Publicidade

LEVITICO 12

Ang paglilinis ng mga babae.

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Lev. 15:19.Kung ang babae ay maglihi, at manganak ng isang lalake, ay magiging karumaldumal na pitong araw; ayon sa mga araw ng karumihan ng kaniyang sakit, ay magiging karumaldumal.

3 Gen. 17:12;Luc. 1:59;2:21;Juan 7:22,23.At sa ikawalong araw ay tutuliin ang bata sa laman ng kaniyang balat ng masama.

4 At siya’y mananatiling tatlong pu’t tatlong araw na maglilinis ng kaniyang dugo; huwag siyang hihipo ng anomang bagay na banal, o papasok man sa santuario, hanggang sa matupad ang mga araw ng kaniyang paglilinis.

5 Nguni’t kung manganak siya ng babae, ay magiging karumaldumal nga siya na dalawang linggo, ayon sa kaniyang karumihan: at mananatiling anim na pu’t anim na araw na maglilinis ng kaniyang dugo.

6 Luc. 2:22.At pagkaganap niya ng mga araw ng kaniyang paglilinis, maging sa anak na lalake o sa anak na babae, ay magdadala siya ng isang kordero ng unang taon, na pinaka handog na susunugin, at isang inakay ng kalapati o isang batobato na pinakahandog dahil sa kasalanan, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote;

7 At kaniyang ihahandog sa harap ng Panginoon, at itutubos sa kaniya; at siya’y malilinis sa agas ng kaniyang dugo. Ito ang kautusan tungkol sa nanganak ng lalake o ng babae.

8 At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng kordero, ay kukuha nga siya ng Lev. 1:14;5:7;Luc. 2:24.dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati; ang isa’y pinaka handog na susunugin at ang isa’y pinakahandog dahil sa kasalanan: Lev. 4:26.at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya’y magiging malinis.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também