1 At siya’y tumunghay, at Mar. 12:41-44.nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabang-yaman.
2 At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo’y naghuhulog ng Mar. 12:42.dalawang lepta.
3 At sinabi niya, Sa katotohana’y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat.
4 Sapagka’t ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila’y labis; datapuwa’t siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya.