Ang Kaloob ng Biyuda
1 Pinagmamasdan ni Hesus ang mayayamang naghuhulog ng pera sa lalagyan ng mga kaloob sa Templo. 2 Nakita rin niya ang isang mahirap na biyuda na naghulog ng dalawang pirasong barya. 3 Sinabi ni Hesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, mas malaki ang ibinigay ng biyudang iyon kaysa sa kanilang lahat. 4 Sapagkat silang lahat ay nagbigay mula sa sobra nilang pera, pero ang biyuda ay nagbigay sa kabila ng kanyang kahirapan. Ibinigay niya ang lahat ng ikabubuhay niya."