Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 7:36-38,47,48,50

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

36 At ipinamanhik sa kaniya Mat. 26:6-13;Mar. 14:3-9.ng isa sa mga Fariseo na kumaing kasalo niya. At siya’y pumasok sa bahay ng Fariseo at naupo sa dulang.

37 At narito, ang isang babaing makasalanan na nasa bayan; at nang maalaman niyang siya’y nasa dulang ng pagkain sa bahay ng Fariseo ay Mat. 26:7.nagdala siya ng isang sisidlang alabastro na puno ng unguento,

38 At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis, ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa, at ang mga ito’y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo, at hinahagkan ang kaniyang mga paa, at pinapahiran ng unguento.

47 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka’t siya ay umibig ng malaki: datapuwa’t sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig.

48 At sinabi niya sa babae, Mat. 9:2.Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan.

50 At sinabi niya sa babae, Iniligtas ka tal.9;Mat. 9:2.ng iyong pananampalataya; Luc. 8:48.yumaon kang payapa.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    36 Inanyayahan si Hesus ng isang Pariseo na kumain sa bahay niya. Pumunta nga si Hesus at umupo para kumain. 37 Sa bayang iyon ay may isang babaeng kilala sa pagiging makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Hesus sa bahay ng Pariseo, kaya pumunta siya roon at nagdala ng pabangong nasa sisidlang alabastro. 38 Lumapit siya sa likuran ni Hesus sa bandang paanan at umiyak. Binasa niya ng luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinalikan at binuhusan ng pabango.

    47 Kaya sinasabi ko sa iyo, pinatawad na ang marami niyang kasalanan, kaya siya nagpapakita ng malaking pagmamahal sa akin. Ngunit ang taong kaunti lang ang kasalanang pinatawad, kaunti rin ang pagmamahal na ipinapakita niya."

    48 Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa babae, "Pinatawad na ang iyong mga kasalanan."

    50 Sinabi ni Hesus sa babae, "Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa."

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.