Binuhusan ng Pabango si Hesus
36 Inanyayahan si Hesus ng isang Pariseo na kumain sa bahay niya. Pumunta nga si Hesus at umupo para kumain. 37 Sa bayang iyon ay may isang babaeng kilala sa pagiging makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Hesus sa bahay ng Pariseo, kaya pumunta siya roon at nagdala ng pabangong nasa sisidlang alabastro. 38 Lumapit siya sa likuran ni Hesus sa bandang paanan at umiyak. Binasa niya ng luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinalikan at binuhusan ng pabango.
47 Kaya sinasabi ko sa iyo, pinatawad na ang marami niyang kasalanan, kaya siya nagpapakita ng malaking pagmamahal sa akin. Ngunit ang taong kaunti lang ang kasalanang pinatawad, kaunti rin ang pagmamahal na ipinapakita niya."
48 Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa babae, "Pinatawad na ang iyong mga kasalanan."
50 Sinabi ni Hesus sa babae, "Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa."