16 At walang taong Mat. 5:15;Mar. 4:21;Luc. 11:33.pagkapaningas niya ng ilawan ay tinatakpan ng isang banga, o inilalagay kaya ito sa ilalim ng isang higaan; kundi inilalagay ito sa talagang lalagyan, upang makita ng nagsisipasok ang ilaw.
17 Sapagka’t walang bagay na natatago, Mat. 10:26;Mar. 4:22;Luc. 12:2.na di mahahayag; o walang lihim, na di makikilala at mapapasa liwanag.
18 Ingatan ninyo kung paano ang inyong pakikinig: Mat. 13:12;Mar. 4:24,25.sapagka’t sino mang mayroon ay bibigyan; at ang sinomang wala, pati ng inaakala niyang nasa kaniya ay aalisin.