1 At Mat. 10:1.tinipon niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.
2 At sila’y sinugo niya upang ipangaral Mat. 10:5,7,8;Mar. 6:7;Luc. 10:1,9.ang kaharian ng Dios, at magpagaling ng mga may sakit.
3 At sinabi niya sa kanila, Mat. 10:9-14;Mar. 6:8-11;Luc. 10:4-11.Huwag kayong mangagdala ng anoman sa inyong paglalakad, kahit tungkod, kahit supot ng ulam, kahit tinapay, kahit salapi; at kahit magkaroon ng dalawang tunika.
4 At sa anomang bahay na inyong pasukin, doon kayo mangatira, at buhat doo’y magsialis kayo.
5 At ang lahat na di magsitanggap sa inyo sa bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok sa inyong mga paa, na pinaka patotoo laban sa kanila.
6 At sila’y nagsialis, at nagsiparoon sa lahat ng mga nayon, na ipinangangaral ang evangelio, at nagpapagaling saa’t saan man.