Pular para o conteúdo
Publicidade

Levitico 24:5-9

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

5 At kukuha ka ng mainam na harina, Ex. 25:30.at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay: tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa’t munting tinapay.

6 At ilalagay mong dalawang hanay, anim sa bawa’t hanay, 1 Hari 7:48;2 Cron. 4:19;13:11;Heb. 9:2.sa ibabaw ng dulang na dalisay sa harap ng Panginoon.

7 At maglalagay ka sa bawa’t hanay ng dalisay na kamangyan, upang ito’y maging paalaala na tinapay, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

8 Blg. 4:7;2 Cron. 2:4.Sa bawa’t sabbath ay aayusing palagi ang tinapay sa harap ng Panginoon; sa ganang mga anak ni Israel, na pinakatipang walang hanggan.

9 At 1 Sam. 21:6;Mat. 12:4;Mar. 2:26;Luc. 6:4.magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak; Ex. 29:33;Lev. 8:31;21:22.at kanilang kakanin sa dakong banal: sapagka’t kabanalbanalang bagay sa kaniya sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy sa pamamagitan ng palatuntunang walang hanggan.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    5 "Magluto kayo ng labindalawang pirasong tinapay, na ang bawat isa ay gawa sa apat na kilo ng magandang klaseng harina. 6 Pagkatapos, ilagay ninyo ito sa mesang ginto sa presensya ng Panginoon. Ihanay ninyo ito ng dalawang hanay, tig-anim ang bawat hanay. 7 Lagyan ninyo ng purong insenso ang gilid24:7 gilid: O itaas. ng bawat hanay. Ang insenso ang siyang magsisilbing palatandaan na ito ay handog sa Panginoon. Susunugin ito bilang handog sa pamamagitan ng apoy sa halip na ang tinapay. 8 Dapat laging maglagay ng tinapay sa presensya ng Panginoon tuwing Araw ng Pamamahinga. Itoʼy tungkulin ninyong mga Israelita magpakailanman. 9 Ang mga tinapay na itoʼy para kay Aaron at sa kanyang angkan. Kakainin nila ito sa banal na lugar sa bakuran ng santuwaryo, dahil ito ang napakabanal na bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon, at itoʼy para sa kanila magpakailanman."

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.