Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 10:13-16

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

13 At dinadala nila Mat. 19:13-15;Luc. 18:15-17.sa kaniya ang maliliit na bata, upang sila’y kaniyang hipuin: at sinaway sila ng mga alagad.

14 Datapuwa’t nang ito’y makita ni Jesus, ay nagdalang galit siya, at sinabi sa kanila, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata; huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka’t Mat. 18:3.sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.

15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na tulad sa isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan.

16 At Mar. 9:36.kinalong niya sila, at sila’y pinagpala, na ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kanila.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    13 May mga taong nagdala ng kanilang maliliit na anak kay Hesus para patungan niya ng kamay at pagpalain. Ngunit pinagbawalan sila ng mga alagad. 14 Nang makita ni Hesus ang nangyari, nagalit siya at sinabi sa mga alagad niya, "Hayaan nʼyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag nʼyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos. 15 Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng pagtanggap ng isang maliit na bata ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos." 16 Pagkatapos nitoʼy kinalong niya ang mga bata, ipinatong ang kanyang kamay sa kanila at pinagpala.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.