13 May mga taong nagdala ng kanilang maliliit na anak kay Hesus para patungan niya ng kamay at pagpalain. Ngunit pinagbawalan sila ng mga alagad. 14 Nang makita ni Hesus ang nangyari, nagalit siya at sinabi sa mga alagad niya, "Hayaan nʼyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag nʼyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos. 15 Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng pagtanggap ng isang maliit na bata ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos." 16 Pagkatapos nitoʼy kinalong niya ang mga bata, ipinatong ang kanyang kamay sa kanila at pinagpala.
Ang Lalaking Mayaman at ang Kaharian ng Diyos
(Mat. 19:16-30; Luc. 18:18-30)