Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 14:22-25

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

22 At samantalang sila’y nagsisikain, ay Mat. 26:26-29;Luc. 22:19,20;1 Cor. 11:23,25.dumampot siya ng tinapay, at nang kaniyang mapagpala, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, at sinabi, Inyong kunin: ito ang aking katawan.

23 At siya’y dumampot ng isang saro, at nang siya’y makapagpasalamat, ay ibinigay niya sa kanila: at doo’y nagsiinom silang lahat.

24 At sinabi niya sa kanila, Ito’y ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami.

25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom ng bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago sa kaharian ng Dios.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    22 Habang kumakain sila, kumuha ng tinapay si Hesus. Nagpasalamat siya sa Diyos at pagkatapos ay pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa mga alagad niya at sinabi, "Kunin ninyo ito; ito ang aking katawan."

    23 Pagkatapos, kumuha siya ng isang kopang may inumin, nagpasalamat sa Diyos, at ibinigay sa kanila. At uminom silang lahat mula sa kopang iyon.

    24 Sinabi niya sa kanila, "Ito ang aking dugo na ibubuhos para sa maraming tao. Ito ang katibayan ng bagong kasunduan ng Diyos sa mga tao. 25 Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw na iinom ako ng bagong inumin sa kaharian ng Diyos."

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.