22 Habang kumakain sila, kumuha ng tinapay si Hesus. Nagpasalamat siya sa Diyos at pagkatapos ay pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa mga alagad niya at sinabi, "Kunin ninyo ito; ito ang aking katawan."
23 Pagkatapos, kumuha siya ng isang kopang may inumin, nagpasalamat sa Diyos, at ibinigay sa kanila. At uminom silang lahat mula sa kopang iyon.
24 Sinabi niya sa kanila, "Ito ang aking dugo na ibubuhos para sa maraming tao. Ito ang katibayan ng bagong kasunduan ng Diyos sa mga tao. 25 Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw na iinom ako ng bagong inumin sa kaharian ng Diyos."