27 At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangatitisod: sapagka’t nasusulat, Zac. 13:7.Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa.
28 Gayon ma’y pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea.
29 Datapuwa’t sinabi sa kaniya ni Pedro, Bagama’t mangatitisod Juan 21:15.ang lahat, nguni’t ako’y hindi.
30 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na ngayon, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok Mat. 26:34,75;Luc. 22:34,60;Juan 13:38;18:27.ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo.
31 Datapuwa’t lalo nang nagmatigas siya na sinabi, Kahima’t kailangang mamatay akong kasama mo, ay hindi kita ikakaila. At sinabi rin naman ng lahat ang gayon din.
Pessoa
Tribo de Judá
Jesus
ἸησοῦςIēsoûsיֵשׁוּעַyeshua
Jesus, o Cristo, Filho de Deus, nasceu de Maria em Belém, anunciou o reino de Deus, morreu crucificado sob Pôncio Pilatos e ressuscitou ao terceiro dia (Mateus 1:16).
A Galileia é a terra de Nazaré e de Caná, de onde Jesus veio para ser batizado por João no Jordão e de onde o seguiram multidões e mulheres (Marcos 1:9).
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Jesus, o Cristo, Filho de Deus, nasceu de Maria em Belém, anunciou o reino de Deus, morreu crucificado sob Pôncio Pilatos e ressuscitou ao terceiro dia (Mateus 1:16).
27 Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Iiwan ninyo akong lahat, dahil sinabi ng Diyos sa Kasulatan:
‘Papatayin ko ang pastol
at magsisipangalat ang mga tupa.’
28 Ngunit pagkatapos na ako ay muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea."
29 Sinabi ni Pedrokay Hesus, "Kahit iwanan po kayo ng lahat, hindi ko kayo iiwanan."
30 Sinagot siya ni Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok nang pangalawang beses ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako."
31 Ngunit iginiit pa rin ni Pedro, "Hinding-hindi ko kayo ikakaila, kahit na patayin pa akong kasama ninyo." At ganoon din ang sinabi ng iba niyang kasamahan.