Sinabi ni Hesus na Ikakaila Siya ni Pedro
27 Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Iiwan ninyo akong lahat, dahil sinabi ng Diyos sa Kasulatan:
‘Papatayin ko ang pastol
at magsisipangalat ang mga tupa.’14:27 Zac. 13:7.
28 Ngunit pagkatapos na ako ay muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea."
29 Sinabi ni Pedro kay Hesus, "Kahit iwanan po kayo ng lahat, hindi ko kayo iiwanan."
30 Sinagot siya ni Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok nang pangalawang beses ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako."
31 Ngunit iginiit pa rin ni Pedro, "Hinding-hindi ko kayo ikakaila, kahit na patayin pa akong kasama ninyo." At ganoon din ang sinabi ng iba niyang kasamahan.