Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 2:13-17

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

13 At muling lumabas at naparoon siya sa tabi ng dagat; at lumapit sa kaniya Mat. 1:45.ang buong karamihan, at sila’y kaniyang tinuruan.

14 At sa kaniyang Mat. 9:9-13;Luc. 5:27-32.pagdaraan, ay nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa paningilan ng buwis, at sinabi niya sa kaniya, Sumunod ka sa akin. At nagtindig siya at sumunod sa kaniya.

15 At nangyari, na siya’y nakaupo sa pagkain sa kaniyang bahay, at maraming maniningil ng buwis at mga makasalanang nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad: sapagka’t sila’y marami, at sila’y nagsisunod sa kaniya.

16 At nang makita ng mga eskriba at mga Fariseo, na siya’y kumakaing kasalo ng mga makasalanan at ng mga maniningil ng buwis, ay nagsipagsabi sa kaniyang mga alagad, Ano ito na siya’y kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?

17 At nang ito’y marinig ni , ay sinabi niya sa kanila, Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit, kundi ang mga maysakit: hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.

Pessoa
Tribo de Judá
Jesus
ἸησοῦςIēsoûsיֵשׁוּעַyeshua
Jesus, o Cristo, Filho de Deus, nasceu de Maria em Belém, anunciou o reino de Deus, morreu crucificado sob Pôncio Pilatos e ressuscitou ao terceiro dia (Mateus 1:16).
Significado: “O Senhor salva”
Ver página completa

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    13 Muling pumunta si Hesus sa tabi ng lawa ng Galilea. Maraming tao ang pumunta roon sa kanya, at tinuruan niya ang mga ito. 14 Habang naglalakad siya, nakita niya si Levi na anak ni Alfeo. Nakaupo ito sa lugar kung saan siya naniningil ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, "Sumunod ka sa akin." Tumayo naman si Levi at sumunod kay Hesus.

    15 Habang kumakain si Hesus at ang mga alagad niya sa bahay ni Levi, maraming maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan ang kumakaing kasama nila, dahil marami sa kanila ang sumusunod kay Hesus. 16 Nang makita ng mga Pariseong tagapagturo ng Kautusan na kasalo ni Hesus ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan, sinabi nila sa mga alagad niya, "Bakit kumakain siyang kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?"

    17 Narinig iyon ni Hesus kaya sinagot niya ang mga ito, "Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit. Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan."

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.