6 At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat,
Is. 29:13.Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kaniyang mga labi,
Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin.
7 Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin,
Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.
8 Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali’t-saling sabi ng mga tao.