6 Sinagot sila ni Hesus, "Mga pakitang-tao! Tama nga ang sinabi ni Propeta Isaias tungkol sa inyo nang sinulat niya:
‘Sa labi lamang ako iginagalang ng mga taong ito,
sapagkaʼt malayo sa akin ang kanilang mga puso.
7 Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan;
pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.’7:7 Isa. 29:13.
8 Ang mga utos ng Diyos ay inyong tinalikuran, at ang mga kaugalian ng tao ang inyong sinundan."