Pular para o conteúdo
Publicidade

MARCOS 7

9 At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali’t-saling sabi.

10 Sapagka’t sinabi ni Moises, Ex. 20:12.Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Ex. 21:17.Ang manungayaw sa ama o sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala:

11 Datapuwa’t sinasabi ninyo, Kung sabihin ng isang tao sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin Lev. 1:2.ay Corban, sa makatuwid baga’y, hain sa Dios;

12 Hindi na ninyo siya pinabayaang gumawa ng anoman na ukol sa kaniyang ama o sa kaniyang ina;

13 Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali’t-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito.

Veja também