Ang pagkaidolatria ng Ephraim ay tinutulan.
1 Ang Ephraim Job 15:2.ay kumakain ng hangin, at sumusunod sa hanging silanganan: siya’y laging Os. 5:13.nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan; at sila’y nakikipagtipan sa Asiria, at ang langis ay dinadala sa Egipto.
2 Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya.
3 Sa bahay-bata ay Gen. 25:26.kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa kaniyang kabinataan ay Gen. 32:28.nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios:
4 Oo, siya’y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya’y tumangis, at namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa Gen. 28:12.Beth-el, at doo’y nakipagsalitaan siya sa atin.
5 Sa makatuwid baga’y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo; ang Panginoon ay Ex. 15.kaniyang alaala.
6 Kaya’t magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.
7 Mangangalakal siya na may timbangang magdaraya sa kaniyang kamay: maibigin ng pagpighati.
8 At sinabi ng Ephraim, Zac. 11:5.Tunay na ako’y naging mayaman, ako’y nakasumpong ng kayamanan; sa lahat ng aking gawin, walang masusumpungan sila sa akin na kasamaan,
9 Nguni’t ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto, akin Lev. 23:34.pa kitang patatahanin uli sa mga tolda, gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan.
10 Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako’y nagparami ng mga pangitain; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga.
11 Ang Galaad baga’y kasamaan? sila’y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid.
12 At si Jacob ay Gen. 28:5.tumakas na napatungo sa parang ng Aram, at Gen. 29:20,28.naglingkod si Israel dahil sa isang asawa, at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa.
13 Deut. 18:15.At sa pamamagitan ng isang propeta ay Ex. 12:50.isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto, at sa pamamagitan ng isang propeta, siya’y naingatan.
14 Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit: kaya’t ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya, at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya.