Pular para o conteúdo
Publicidade

OSEAS 6

Ang Ephraim at ang Juda ay napapanganib sa panghihimagsik ng Israel.

1 Magsiparito kayo, at tayo’y manumbalik sa Panginoon; sapagka’t Deut. 32:39.siya’y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya’y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo.

2 Pagkatapos ng dalawang araw ay muling Awit 71:20.bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo’y mangabubuhay sa harap niya.

3 At Is. 54:13.ating kilalanin, tayo’y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na Mik. 5:2;Mal. 4:2;Luc. 1:78.parang umaga; at siya’y paririto sa atin na parang ulan, na Deut. 11:14.parang huling ulan na dumidilig ng lupa.

4 Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, Os. 11:8.ano ang gagawin ko sa iyo? sapagka’t ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, Os. 13:3.at parang hamog na lumalabas na maaga.

5 Kaya’t aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas.

6 Sapagka’t ako’y nagnanasa ng kaawaan, Mat. 9:13;1 Sam. 15:22.at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.

7 Nguni’t sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan: doo’y nagsigawa silang may paglililo laban sa akin.

8 Ang Galaad ay Os. 12:11.bayang gumagawa ng kasamaan; tigmak sa dugo.

9 At kung paanong ang mga pulutong ng mga Os. 7:1.tulisan na nagsisiabang sa isang tao, ay gayon ang Jer. 11:9;Os. 5:1,2.pulutong ng mga saserdote na nagsisipatay sa daan na dakong Sichem; Oo, sila’y gumawa ng kahalayan.

10 Sa sangbahayan ni Israel ay Jer. 5:30.nakakita ako ng kakilakilabot na bagay: doo’y Os. 5:3.nagpatutot ang Ephraim, ang Israel ay napahamak.

11 Sa iyo man, Oh Juda, may takdang paggapas, pagka aking ibabalik ang nangabihag sa aking bayan.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também