Pular para o conteúdo
Publicidade

OSEAS 7

Ang Ephraim at ang Juda ay napapanganib sa paghihimagsik ng Israel.

1 Nang aking pagagalingin ang Israel, ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw, at ang kasamaan ng Samaria; sapagka’t sila’y nagsinungaling; at ang magnanakaw ay pumapasok, at ang pulutong ng mga tulisan ay nananamsam sa labas.

2 At hindi nila ginugunita sa kanilang mga puso na aking inaalaala ang lahat nilang kasamaan: ngayo’y kinukulong sila sa palibot ng kanilang sariling mga gawa; Awit 90:8.sila’y nangasa harap ko.

3 Kanilang pinasasaya ng kanilang kasamaan ang hari, at ng kanilang pagsisinungaling ang mga prinsipe.

4 Silang lahat ay mga mangangalunya; sila’y parang hurnong iniinit ng magtitinapay; siya’y tumitigil na magsulong ng apoy, mula sa paggawa ng masa hanggang sa umaasim.

5 Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi.

6 Sapagka’t kanilang inihanda ang kanilang puso na parang hurno, samantalang sila’y nangagaabang: ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag; sa kinaumagaha’y nagniningas na parang liyab na apoy.

7 Silang lahat ay nangagiinit na parang hurno, at nilalamon ang kanilang mga hukom; lahat nilang hari ay nangabuwal: 2 Hari 15:10,14,25,30.wala sa kanila na tumawag sa akin.

8 Ang Ephraim, Awit 106:35.nakikisalamuha sa mga bayan; ang Ephraim ay isang tinapay na hindi binalik.

9 Nilamon ng mga taga ibang lupa ang kaniyang Os. 8:7.yaman, at hindi niya nalalaman: oo, mga uban ay nasasabog sa kaniya, at hindi niya nalalaman.

10 At Os. 5:5.ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: Is. 9:13.gayon ma’y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios, ni hinanap man siya nila, dahil sa lahat na ito.

11 At ang Ephraim Os. 11:11.ay parang isang mangmang na kalapati, na walang unawa 2 Hari 17:4;Os. 12:1.sila’y nagsitawag sa Egipto, sila’y nagsiparoon sa Asiria.

12 Pagka sila’y magsisiyaon, ay Ezek. 12:13.aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila; akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid; aking parurusahan sila, gaya ng narinig Lev. 26:14,39.sa kanilang kapisanan.

13 Sa aba nila! sapagka’t sila’y nagsilayas sa akin; kagibaa’y suma kanila! sapagka’t sila’y nagsisalangsang laban sa akin: bagaman sila’y Mik. 6:4.aking tinubos, gayon ma’y nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin.

14 At sila’y hindi nagsidaing Jer. 3:10.sa akin ng kanilang puso, kundi sila’y nagsiangal sa kanilang mga higaan: sila’y nagpupulong dahil sa trigo at alak; sila’y nanganghimagsik laban sa akin.

15 Bagaman aking tinuruan at pinalakas ang kanilang mga bisig, gayon ma’y nangagisip sila ng kalikuan laban sa akin.

16 Sila’y nanganunumbalik, nguni’t hindi Os. 11:7.sa kaniya na nasa kaitaasan: sila’y Awit 78:57.parang magdarayang busog: ang kanilang mga prinsipe ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak dahil sa poot Awit 73:9.ng kanilang dila: ito ang magiging katuyaan sa kanila Os. 9:3.sa lupain ng Egipto.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também