Pular para o conteúdo
Publicidade

OSEAS 14

Ang Israel ay sinamo upang magbalik sa Panginoon.

1 Oh Israel, manumbalik ka sa Os. 12:6.Panginoon mong Dios; sapagka’t ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan.

2 Magpahayag kayo na may pagsisisi, at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo’y aming ilalagak na parangAwit 60:14;Gawa 13:15.mga toro ang handog ng aming mga labi.

3 Hindi Os. 5:13.kami ililigtas ng Asiria; kami ay Is. 30:2,16;31:1.hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, Kayo’y aming mga dios; Awit 10:14.sapagka’t dahil sa iyo’y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila.

4 Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, Os. 11:1.akin silang iibiging may kalayaan; sapagka’t ang aking galit ay humiwalay sa kaniya.

5 Ako’y Mik. 5:7.magiging parang hamog sa Israel: siya’y bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano.

6 Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong, at ang kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo, at ang kaniyang bango ay parang Libano.

7 Awit 91:1.Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik; sila’y mangabubuhay uling gaya ng trigo, at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas: at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano.

8 Sasabihin ng Ephraim, Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan? Ako’y sasagot, at aking hahalatain siya: ako’y parang sariwang abeto; Juan 15:4,5.mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga.

9 Sino Awit 107:33.ang pantas, at siya’y makakaunawa ng mga bagay na ito? at mabait, at kaniyang mangalalaman? Kaw. 10:29.sapagka’t ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid, at lalakaran ng mga ganap; nguni’t kabubuwalan ng mga mananalangsang.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também