Pular para o conteúdo
Publicidade

OSEAS 8

Ang pagsuway ng Israel sa kautusan.

1 Ilagay mo ang Os. 5:8.pakakak sa iyong bibig. Gaya ng isang Deut. 28:49.aguila dumarating siya laban sa bahay ng Panginoon, sapagka’t Os. 6:7.kanilang sinuway ang aking tipan, at nagsisalangsang laban sa aking kautusan.

2 Sila’y magsisidaing sa akin, Mat. 7:21-23.Dios ko, kaming Israel ay nangakakakilala sa iyo.

3 Itinakuwil ng Israel ang mabuti: hahabulin siya ng kaaway.

4 Sila’y nangaglagay ng mga hari, 1 Hari 12:20;2 Hari 15:13,17,23.nguni’t hindi sa pamamagitan ko; sila’y nangaglagay ng mga prinsipe, at hindi ko nalaman: Os. 2:8.sa kanilang pilak at kanilang ginto ay nagsigawa sila ng diosdiosan, upang sila’y mangahiwalay.

5 Kaniyang inihiwalay ang iyong guya, Oh Samaria; ang aking galit ay nagaalab laban sa kanila: hanggang kailan sila ay magiging mga musmos.

6 Sapagka’t mula sa Israel nanggaling ito; ito’y ginawa ng manggagawa, at ito’y hindi Dios; oo, ang guya ng Samaria ay magkakaputolputol.

7 Sapagka’t sila’y nangagsasabog ng hangin, at sila’y magsisiani ng ipoipo: siya’y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina; at kung maglaman, ay lalamunin ng mga Os. 7:9.taga ibang lupa.

8 Ang Israel ay nalamon: ngayo’y nasa gitna siya ng mga bansa na Jer. 22:28.parang sisidlang hindi kinalulugdan.

9 Sapagka’t 2 Hari 15:19.sila’y nagsiahon sa Asiria, na parang isang mailap na Jer. 2:24.asno na nagiisa: ang Ephraim ay Ezek. 16:33,34,41.umupa ng mga mangingibig.

10 Oo, bagaman sila’y umuupa sa gitna ng mga bansa, akin nga silang pipisanin ngayon; at sila’y mangagtitigil na kaunting panahon ng pagpapahid ng langis Is. 10:8;Ezek. 26:7.sa hari at mga prinsipe.

11 Sapagka’t ang Ephraim, ay nagparami ng mga dambana upang magkasala, ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala.

12 Sinulat ko para sa kaniya Deut. 4:6,8.ang sangpung libong bagay ng aking kautusan; kanilang inaring parang katuwang bagay.

13 Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin, sila’y nangaghahain ng karne, at kinakain nila; nguni’t ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon; ngayo’y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan; Deut. 28:23;Os. 9:3;11:5.sila’y mangababalik sa Egipto.

14 Sapagka’t nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; nguni’t magsusugo Amos 2:5.ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também