17 At isa sa karamihan ay sumagot sa kaniya, Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalake na may isang espiritung pipi;
25 At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan, ay pinagwikaan niya ang karumaldumal na espiritu, na sinasabi sa kaniya, Ikaw bingi at piping espiritu, iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya.
26 At nang makapagsisisigaw, at nang siya’y mapangatal na mainam, ay lumabas siya: at ang bata’y naging anyong patay; ano pa’t marami ang nagsabi, Siya’y patay.
27 Datapuwa’t hinawakan siya ni Jesus sa kamay, at siya’y ibinangon; at siya’y nagtindig.