Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 9:17,25-27

OASD Ang Salita ng Diyos

17 May isang lalaki roon na sumagot, "Guro, dinala ko po rito sa inyo ang anak kong lalaki na sinasaniban ng masamang espiritu kaya hindi siya makapagsalita.

25 Nang makita ni Hesus na dumarami ang taong paparating sa kanya, sinaway niya ang masamáng espiritu, at sinabi, "Ikaw na espiritung nagpapapipi at nagpapabingi sa batang ito, inuutusan kitang lumabas sa kanya! At huwag ka nang papasok muli sa kanya!"

26 Sumigaw ang masamang espiritu, pinangisay ang bata, at saka lumabas. Naging parang patay ang bata, kaya sinabi ng karamihan, "Patay na siya!" 27 Ngunit hinawakan ni Hesus ang kamay ng bata at ibinangon, at tumayo ang bata.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    17 At isa sa karamihan ay sumagot sa kaniya, Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalake na may isang espiritung pipi;

    25 At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan, ay pinagwikaan niya ang karumaldumal na espiritu, na sinasabi sa kaniya, Ikaw bingi at piping espiritu, iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya.

    26 At nang makapagsisisigaw, at nang siya’y mapangatal na mainam, ay lumabas siya: at ang bata’y naging anyong patay; ano pa’t marami ang nagsabi, Siya’y patay.

    27 Datapuwa’t hinawakan siya ni Jesus sa kamay, at siya’y ibinangon; at siya’y nagtindig.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.