28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo’y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa Mat. 5:22.impierno.
29 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila’y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:
30 Datapuwa’t maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.
31 Huwag nga kayong mangatakot: kayo’y lalong mahalaga kay sa maraming maya.