28 Huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang katawan lang ninyo ang kaya nilang patayin, ngunit hindi ang inyong kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa Diyos, na siyang may kakayahang puksain ang katawan at kaluluwa ninyo sa impiyerno. 29 Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng dalawang maya? Ngunit wala ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa lupa nang hindi ipinapahintulot ng inyong Ama. 30 Mas lalo na kayo, maging ang bilang ng inyong mga buhok ay alam niya. 31 Kaya huwag kayong matakot, dahil mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.
Publicidade
Mateo 10:28-31
OASD Ang Salita ng Diyos
Em outras traduções
- ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)
28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo’y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.
29 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila’y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:
30 Datapuwa’t maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.
31 Huwag nga kayong mangatakot: kayo’y lalong mahalaga kay sa maraming maya.
Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Mateo 28
Estes versículos te tocaram? Ore agora!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.