Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 22

1 At sumagot si at muling pinagsalitaan Luc. 14:16-24.sila sa mga talinghaga, na sinasabi,

2 Tulad ang kaharian ng langit sa isang hari na naghanda ng Apoc. 19:7,9.piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake,

3 At sinugo ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan: at sila’y ayaw magsidalo.

4 Muling nagsugo siya sa ibang mga alipin, na sinasabi, Sabihin ninyo sa mga inanyayahan, Narito, inihanda ko na ang aking piging; pinatay ko ang aking mga baka at mga hayop na matataba, at ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na: magsiparito kayo sa piging ng kasalan.

5 Datapuwa’t hindi nila pinansin, at sila’y nagsiyaon sa kanilang lakad, ang isa’y sa kaniyang sariling bukid, ang isa’y sa kaniyang mga kalakal;

6 At hinawakan ng mga iba ang kaniyang mga alipin, at sila’y dinuwahagi, at pinagpapatay.

7 Datapuwa’t ang hari ay nagalit; at sinugo ang kaniyang mga hukbo, at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon, at sinunog ang kanilang bayan.

8 Nang magkagayo’y sinabi niya sa kaniyang mga alipin, Nahahanda ang kasalan, nguni’t hindi Mat. 10:11,13.karapatdapat ang mga inanyayahan.

9 Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan.

10 At nagsilabas ang mga aliping yaon sa mga lansangan, at kanilang tinipon ang lahat nilang nangasumpungan, Mat. 13:38,47;25:2.masasama at mabubuti: at napuno ng mga panauhin ang kasalan.

11 Datapuwa’t pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin, ay doo’y nakita niya ang isang tao na Is. 61:10;Apoc. 19:8.hindi nararamtan ng damit-kasalan:

12 At sinabi niya sa kaniya, Kaibigan, ano’t pumasok ka rito na walang damit-kasalan? At siya’y naumid.

13 Nang magkagayo’y sinabi ng hari sa mga naglilingkod, Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; Mat. 8:12.diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.

14 Sapagka’t Mat. 20:16.marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.

15 Nang magkagayo’y nagsialis ang mga Fariseo, Mar. 12:13-37;Luc. 20:20-38.at nangagsanggunian sila kung paano kayang mahuhuli nila siya sa kaniyang pananalita.

16 At sinugo nila sa kaniya ang kanilang mga alagad, na kasama ng mga Mar. 3:6;12:13.Herodiano, na nagsisipagsabi, Guro, nalalaman naming ikaw ay totoo, at itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios, at hindi ka nangingimi kanino man: sapagka’t hindi ka nagtatangi ng tao.

17 Sabihin mo nga sa amin, Ano sa akala mo? Matuwid bagang bumuwis Luc. 3:1.kay Cesar, o hindi?

18 Datapuwa’t napagkikilala ni ang kanilang kasamaan, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso, kayong mga mapagpaimbabaw?

19 Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis. At dinala nila sa kaniya ang isang denario.

20 At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat?

21 Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo’y sinabi niya sa kanila, Kaya’t Rom. 13:7.ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios.

22 At pagkarinig nila nito ay nagsipanggilalas sila, at siya’y iniwan, at nagsiyaon.

23 Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga Mat. 3:7;16:1,6,11,12;Gawa 4:1;5:17;23:6,8.Saduceo, na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli: at siya’y kanilang tinanong,

24 Na sinasabi, Guro, sinabi ni Moises, Deut. 25:5.Kung mamatay na walang mga anak ang isang lalake, ay magasawa ang kaniyang kapatid na lalake sa asawa niya, at magkakaanak sa kaniyang kapatid na lalake.

25 Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake: at nagasawa ang panganay at namatay, at sapagka’t hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake;

26 Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa, at sa pangatlo, hanggang sa ikapito.

27 At sa kahulihulihan nilang lahat, ay namatay ang babae.

28 Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa? sapagka’t siya’y naging asawa nilang lahat.

29 Nguni’t sumagot si at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, Juan 20:9.sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.

30 Sapagka’t sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi 1 Juan 3:2.gaya ng mga anghel sa langit.

31 Datapuwa’t tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios, na nagsasabi,

32 Ako ang Dios ni Abraham, Ex. 3:6;Gawa 7:32.at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay.

33 At nang marinig ito ng karamihan ay Mat. 7:28.nangagtaka sa kaniyang aral.

34 Datapuwa’t nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila.

35 At isa sa kanila, na Luc. 10:25;11:45,46,51;14:3.tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya’y tuksuhin:

36 Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?

37 At sinabi sa kaniya, Deut. 6:5;Luc. 10:27.Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.

38 Ito ang dakila at pangunang utos.

39 At ang pangalawang katulad ay ito, Lev. 19:18;Mat. 19:19.Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

40 Sa dalawang utos na ito’y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.

41 Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Luc. 20:41-44. ng isang tanong,

42 Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, Mat. 1:1.kay .

43 Sinabi niya sa kanila, Kung gayo’y bakit tinatawag siya ni na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,

44 Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,

Awit 110:1;Gawa 2:34-35;Heb. 1:13.Maupo ka sa aking kanan,

Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?

45 Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya’y kaniyang anak?

46 At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, Mar. 12:34;Luc. 20:40.ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong.

Pessoa
Tribo de Judá
Jesus
ἸησοῦςIēsoûsיֵשׁוּעַyeshua
Jesus, o Cristo, Filho de Deus, nasceu de Maria em Belém, anunciou o reino de Deus, morreu crucificado sob Pôncio Pilatos e ressuscitou ao terceiro dia (Mateus 1:16).
Significado: “O Senhor salva”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Jesus
ἸησοῦςIēsoûsיֵשׁוּעַyeshua
Jesus, o Cristo, Filho de Deus, nasceu de Maria em Belém, anunciou o reino de Deus, morreu crucificado sob Pôncio Pilatos e ressuscitou ao terceiro dia (Mateus 1:16).
Significado: “O Senhor salva”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Jesus
ἸησοῦςIēsoûsיֵשׁוּעַyeshua
Jesus, o Cristo, Filho de Deus, nasceu de Maria em Belém, anunciou o reino de Deus, morreu crucificado sob Pôncio Pilatos e ressuscitou ao terceiro dia (Mateus 1:16).
Significado: “O Senhor salva”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Jesus
ἸησοῦςIēsoûsיֵשׁוּעַyeshua
Jesus, o Cristo, Filho de Deus, nasceu de Maria em Belém, anunciou o reino de Deus, morreu crucificado sob Pôncio Pilatos e ressuscitou ao terceiro dia (Mateus 1:16).
Significado: “O Senhor salva”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Davi
ΔαυιδDauidדָוִֽדdavid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Davi
ΔαυιδDauidדָוִֽדdavid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.