19 Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito’y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito’y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:
20 Mat. 19:21;Luc. 12:33,34.Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo’y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo’y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:
21 Sapagka’t kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.
22 Ang ilawan ng katawan tal.23;Luc. 11:34,35.ay ang mata: kung tapat nga ang iyong mata, ang buong katawan mo’y mapupuspos ng liwanag.
23 Datapuwa’t kung Mat. 20:15.masama ang iyong mata, ang buong katawan mo’y mapupuspos ng kadiliman. Kaya’t kung ang ilaw na sumasa iyo ay kadiliman, gaano kaya kalaki ang kadiliman!
24 Sinoma’y hindi makapaglilingkod Luc. 16:13.sa dalawang panginoon: sapagka’t kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya’y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga Luc. 16:9,11,13.kayamanan.