19 "Huwag kayong mag-imbak ng mga kayamanan ninyo dito sa lupa, kung saan may insekto at kalawang na naninira, at may kawatang nakakapasok upang magnakaw nito. 20 Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang kawatang papasok upang magnakaw nito. 21 Sapagkat kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.
22 "Ang mata ay parang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong mata,6:22 malinaw … mata: Ang ibig sabihin ay "magandang saloobin o malinaw na pag-iisip." mapupuno ng liwanag ang iyong buong katawan. 23 Ngunit kung malabo ang iyong mata, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. Kaya kung dumilim ang ilaw na nasa iyo, magiging napakadilim ng iyong kalagayan.
24 "Walang taong makapaglilingkod sa dalawang amo. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o kayaʼy magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Ganoon din naman, hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa kayamanan.
Ang Katuruan tungkol sa Pagkabalisa
(Luc. 16:13; 12:22-31)