1 Hanggang tal.5;Luc. 6:37,38,41,42.Huwag kayong magsihatol, Rom. 14:3,4,10,13;1 Cor. 4:3,5;Sant. 4:11,12.upang huwag kayong hatulan.
2 Sapagka’t sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: Mar. 4:24.at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.
3 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni’t hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata?
4 O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid, Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo; at narito, ang tahilan sa iyong sariling mata?
5 Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo’y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid.