2 Na si Sanballat at si Gesem ay nagsugo sa akin, na nagpapasabi, Ikaw ay parito, magkikita tayo sa isa ng mga nayon sa mga kapatagan ng 1 Cron. 8:12.Ono. Nguni’t pinagisipan nila akong gawan ng masama.
3 At ako’y nagsugo ng mga sugo sa kanila, na nangagsasabi, Ako’y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa’t hindi ako makababa: bakit ititigil ang gawain, habang aking maiiwan, at binababa kayo?
4 At sila’y nangagsugo sa aking makaapat sa dahilang ito; at sinagot ko sila ng ayon sa gayon ding paraan.
6 Na kinasusulatan: Naibalita sa mga bansa, at sinasabi ni Gasmu Neh. 2:19.na ikaw at ang mga Judio ay nagaakalang manghimagsik; na siyang kadahilanan ng iyong pagtatayo ng kuta: at ikaw ay magiging kanilang hari ayon sa mga salitang ito.
8 Nang magkagayo’y nagsugo ako sa kaniya, na aking sinasabi, Walang ganyang mga bagay na nagawa na gaya ng iyong sinasabi, kundi iyong mga pinagbubuhat sa iyong sariling puso.
9 Sapagka’t ibig nilang lahat na sidlan ng takot kami, na sinasabi, Ang kanilang mga kamay ay manganghihina sa gawain na anopa’t hindi mayayari. Nguni’t ngayon, Oh Dios, palakasin mo ang aking mga kamay.