Pular para o conteúdo
Publicidade

Nehemias 6:2-4,6,8,9

OASD Ang Salita ng Diyos

2 Kaya nagpadala sina Sanbalat at Gesem ng ganitong mensahe sa akin: "Gusto naming makipagkita sa iyo sa isang nayon ng kapatagan ng Ono."

Ngunit nalaman ko na may balak silang masama sa akin. 3 Kaya nagsugo ako ng mga mensahero para sabihin ito sa kanila, "Mahalaga ang ginagawa ko ngayon, kaya hindi ako makakapunta riyan. Hindi ko maaaring itigil ang paggawa para lang pumunta riyan." 4 Apat na beses nila akong pinadalhan ng ganoong mensahe at apat na beses ko rin silang pinadalhan ng parehong sagot.

6 At ito ang nakasulat:

"Ipinagtapat sa akin ni Gesem6:6 Gesem: O Gashmu. na kahit saan siya pumunta ay naririnig niyang ikaw at ang mga Hudyo ay nagbabalak mag-alsa, at iyan ang dahilan kung bakit muli ninyong ipinapatayo ang pader. At ayon sa narinig niya, gusto mong maging hari ng mga Hudyo,

8 Ito ang sagot ko sa kanya: "Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Gawa-gawa mo lang iyan."

9 Alam kong tinatakot lang nila kami upang mahinto ang paggawa namin.

Ngunit nanalangin ako sa Diyos na palakasin pa niya ako.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    2 Na si Sanballat at si Gesem ay nagsugo sa akin, na nagpapasabi, Ikaw ay parito, magkikita tayo sa isa ng mga nayon sa mga kapatagan ng 1 Cron. 8:12.Ono. Nguni’t pinagisipan nila akong gawan ng masama.

    3 At ako’y nagsugo ng mga sugo sa kanila, na nangagsasabi, Ako’y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa’t hindi ako makababa: bakit ititigil ang gawain, habang aking maiiwan, at binababa kayo?

    4 At sila’y nangagsugo sa aking makaapat sa dahilang ito; at sinagot ko sila ng ayon sa gayon ding paraan.

    6 Na kinasusulatan: Naibalita sa mga bansa, at sinasabi ni Gasmu Neh. 2:19.na ikaw at ang mga Judio ay nagaakalang manghimagsik; na siyang kadahilanan ng iyong pagtatayo ng kuta: at ikaw ay magiging kanilang hari ayon sa mga salitang ito.

    8 Nang magkagayo’y nagsugo ako sa kaniya, na aking sinasabi, Walang ganyang mga bagay na nagawa na gaya ng iyong sinasabi, kundi iyong mga pinagbubuhat sa iyong sariling puso.

    9 Sapagka’t ibig nilang lahat na sidlan ng takot kami, na sinasabi, Ang kanilang mga kamay ay manganghihina sa gawain na anopa’t hindi mayayari. Nguni’t ngayon, Oh Dios, palakasin mo ang aking mga kamay.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.