1 Nang matapos na ang pader ng lungsod at naikabit na ang mga pinto nito, itinalaga sa tungkulin nila ang mga tagapagbantay ng mga pintuan ng lungsod, ang mga mang-aawit, at ang mga Levita. 2 Ibinigay ko ang tungkulin ng pamamahala sa Jerusalem sa kapatid kong si Hanani kasama si Hananias na kumander ng mga guwardiya sa kuta. Pinili ko si Hanania dahil mapagkakatiwalaan siya at may takot sa Diyos higit sa karamihan. 3 Sinabi ko sa kanila, "Huwag nʼyong pabayaang nakabukas ang mga pintuan ng lungsod kapag tanghaling-tapat, kahit may mga tagapagbantay pang nagbabantay. Dapat nakasara ito at nakakandado. Maglagay din kayo ng mga tagapagbantay mula sa mga mamamayan ng Jerusalem. Ang iba sa kanila ay ilagay sa pader na malapit sa mga bahay nila, at ang iba naman ay ilagay sa ibang bahagi ng pader."
4 Napakalawak noon ng lungsod ng Jerusalem pero kakaunti lang ang mga naninirahan doon at kakaunti rin ang mga bahay. 5 Kaya ipinaisip ng aking Diyos sa akin na tipunin ang mga pinuno, mga opisyal, at iba pang mga naninirahan upang maitala sila ayon sa bawat pamilya. Nakita ko ang listahan ng mga pamilya na unang bumalik mula sa pagkabihag. Ito ang nakatala roon:
6 Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia. Nakabalik na sila sa Jerusalem at sa sarili nilang mga bayan sa Juda. 7 Ang namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem ay sina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Azarias, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilsan, Misperet, Bigvai, Nehum, at Baana.
Ito ang talaan ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:
8 Ang angkan ni Paros 2,172
9 Ang angkan ni Sefatias 372
10 Ang angkan ni Arah 652
11 Ang angkan ni Pahat-moab (mula sa mga pamilya ni Jeshua at ni Joab) 2,818
12 Ang angkan ni Elam 1,254
13 Ang angkan ni Zatu 845
14 Ang angkan ni Zacai 760
15 Ang angkan ni Binui 648
16 Ang angkan ni Bebai 628
17 Ang angkan ni Azgad 2,322
18 Ang angkan ni Adonikam 667
19 Ang angkan ni Bigvai 2,067
20 Ang angkan ni Adin 655
21 Ang angkan ni Ater na tinatawag ding Ezequias 98
22 Ang angkan ni Hasum 328
23 Ang angkan ni Bezai 324
24 Ang angkan ni Harif 112
25 Ang angkan ni Gibeon 95
26 Mga Israelitang ang mga ninuno ay tumira sa mga sumusunod na bayan:
Bethlehem at Netofa 188
27 mga taga-Anatot 128
28 mga taga-Bet-azmavet 42
29 mga taga-Kiriat-jearim, Quefira, at Beerot 743
30 mga taga-Rama at Geba 621
31 mga taga-Micmas 122
32 mga taga-Betel at Ai 123
33 mga taga-Nebo 52
34 mga taga-Elam 1,254
35 mga taga-Harim 320
36 mga taga-Jerico 345
37 mga taga-Lod, Hadid, at Ono 721
38 mga taga-Senaa 3,930
39 Mga pari:
Mga angkan ni Jedaias (mula sa pamilya ni Jeshua) 973
40 Mga angkan ni Imer 1,052
41 Mga angkan ni Pashur 1,247
42 Mga angkan ni Harim 1,017
43 Mga Levita:
Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavias) 74
44 Mga mang-aawit sa Templo na mga angkan ni Asaf 148
45 Mga tagapagbantay ng Templo na mula sa angkan nina Salum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Sobai 138
46 Mga tagapaglingkod sa Templo:
Mga angkan nina
Ziha, Hasufa, Tabaot,
47 Keros, Sia, Padon,
48 Lebana, Hagaba, Salmai,
49 Hanan, Gidel, Gahar,
50 Reaias, Rezin, Nekoda,
51 Gazam, Uza, Pasea,
52 Besai, Meunim, Nefusesim,
53 Bakbuk, Hakufa, Harhur,
54 Bazlut, Mehida, Harsa,
55 Barkos, Sisera, Tema,
56 Nezias, at Hatifa.
57 Mga angkan ng mga alipin ni Solomon:
Ang mga angkan nina
Sotai, Soferet, Perida,
58 Jaala, Darkon, Gidel,
59 Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim, at Amon.
60 Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga tagapaglingkod sa Templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay 392.
61 May mga bumalik din mula sa mga bayan ng Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adon at Imer. Ngunit hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita:
62 Sila ang mga nagmula sa angkan nina Delaias, Tobias, at Nekoda, 642 katao silang lahat.
63 Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina
Hobias, Hakoz, at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.)
64 Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng kanilang mga ninuno, hindi sila tinanggap bilang mga pari. 65 Sinabihan sila ng gobernador na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkaing inihandog sa Diyos hanggaʼt walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa kanilang pagkapari sa pamamagitan ng Urim at Tumim..
66 Ang kabuuang bilang ng mga lalaki mula sa pagkabihag ay 42,360, 67 hindi pa kabilang dito ang mga alipin nilang lalaki at babae na 7,337 at mga mang-aawit na lalaki at babae na 245. 68 May dala silang 736 na kabayo, 245 mola, 69 435 kamelyo, at 6,720 asno.
70 "Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nag-ambag para sa muling pagpapatayo ng Templo. Ang gobernador ay nagbigay ng walong kilong ginto, 50 mangkok, at 530 pirasong damit para sa mga pari. 71 Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay para sa ganitong gawain ng 168 kilong ginto at 1,200 kilong pilak. 72 Ang kabuuang ibinigay ng iba pang mga tao ay 168 kilong ginto, 1,100 kilong pilak, at 67 pirasong damit para sa mga pari.
73 "Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa mga bayan na kung saan nagmula ang kanilang pamilya, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga tagapagbantay ng Templo, ang mga mang-aawit, at ang mga tagapaglingkod sa Templo."
Nang dumating ang ikapitong buwan, nang nakatira na ang mga Israelita sa mga bayan nila,